Yan ang problema ng mga MANHID. Nasaktan na sila noon, kaya naisip nilang maging bato. Sino ba naman ang gustong paulit-ulit masaktan? Kapag nasaktan ka, iiyak-iyak, maglalasing, magmumukmok, magwawala, at minsan, nagagawa pang magpatiwakal. Minsan, hindi natin kayang pigilan ang nararamdaman, hindi magawang maitago, at minsan rin, nabubulag tayo sa mga solusyon na ayan na sa harap natin. Sa sobrang sakit ng nangyari, para bang ayaw nang mabuhay, para bang mas mabuti nang mahiga sa bubog ng ilang taon, kesa magising pa sa sunod na araw.
Pero alam niyo ba? Mas mabuti na yung naramdaman mo ang sakit, kesa magpakamanhid. Dahil kapag nasaktan ka, natututo ka. Kapag nagpakamanhid ka, wala ka nang pakialam sa paligid mo. Hindi mo na alam ang ibig sabihin ng salitang “ARAY!” o kaya (para sa mga sosyal) “OUCH!”… Yun bang parang nakakalimutan mo nang maging tao, dahil parang kinakalimutan mo na rin yung mga Pain Receptors na inilagay sayo ng gumawa satin, na dapat magsilbing “guide” para sa ikabubuti nating lahat.
Ang pagiging manhid, dapat pansamantala lang. Wag gawing FOREVER. Kasi, sa tagal ng pagiging manhid mo, ganong katinding sakit rin ang mararamdaman mo balang araw…
—-